PARIS (AFP) – Sinimulan na ang paglilitis kay IMF chief Christine Lagarde sa France nitong Lunes kaugnay sa malaking ibinayad ng estado sa isang tycoon noong siya ay finance minister.

Itinanggi ni Lagarde ang kasong negligence, at ikinatwirang iniisip lamang niya ang interes ng estado nang ipag-utos niyang bayaran si Bernard Tapie, dating may-ari ng sportswear giant na Adidas at ng Olympique Marseille football club.

Kapag napatunayang nagkasala, maaaring makulong si Lagarde ng isang taon at magmumulta ng 15,000 euro.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina