Kasalukuyang naka-full alert ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Metro Manila dahil sa holiday season, sa idaraos na Miss Universe pageant, at laban sa banta ng terorismo.

Nabatid na bukod sa Christmas season, nakaalerto rin ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa gaganaping Miss Universe pageant sa susunod na buwan.

Ito ay kahit walang natatanggap na anumang banta ang PNP tungkol sa prestihiyosong event.

Sinabi ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde na ang pagtaas ng alerto ng pulisya ay kasunod ng pagdating ng ilang kandidata sa Miss Universe simula nitong Biyernes.

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

Ayon kay Albayalde, nagtalaga na ang PNP ng policewoman na magsisilbing escort ng bawat kandidata. (Jun Fabon)