kris-2-copy

UMALIS man si Kris Aquino sa ABS-CBN, hinding-hindi pa rin daw magbabago ang samahan nila ni Vice Ganda. Kaya hindi sila nawawalan ng kontak sa isa’t isa at sa katunayan ay hindi pa rin nagbabago ang ‘asawa’ na tawag nila sa isa’t isa. 

Kaya kahit kaliwa’t kanan ang mga nang-iintriga sa desisyon ni Kris na umalis sa Kapamilya Network, ipinagdiinan ni Vice na iba ang pagmamahal nila ni Kris sa isa’t isa at hindi ito basta-basta maapektuhan ng kahit na ano pang isyu.

Iba ang samahan nila ni Kris at hindi lang pang-showbiz.

“Ever since, di ba, lagi ngang sinasabi na ako nagpapaimpluwensiya kay Kris, si Kris nagpapaimpluwensiya sa akin. No, hindi ganu’n. Hindi namin sinasaklawan ang isa’t isa sa lahat ng gusto naming gawin. Maraming pagkakataon na hindi kami nagkakasundo but we respect ‘yung mga differences naming dalawa,” paliwanag ni Vice nang mag-imbita ng thanksgiving dinner sa press people bilang pasasalamat sa pagtabo sa takilya ng The Super Parental Guardians.

Human-Interest

ALAMIN: Mga kulay ng damit na mainam panangga sa tag-init

“At saka right niya ‘yun, ano?” patuloy pang kuwento ni Vice. “Sobra. Kung ako rin naman mabibigyan ng pagkakataon, bakit naman hindi? Gusto ko rin namang magkaroon ng kasamang iba. Mas maganda na marami tayong kaibigan.”

Bilang pruweba na hindi nagbabago ang kanilang friendship at samahan, magkakasamang pinanood nina Vice at Kris with her two sons, Bimby and Joshua angTSPG sa Trinoma.

Nag-enjoy sila nang husto sa muli nilang pagkikita after several months simula nang ‘lumayas’ si Kris sa Dos.

“Kasi ang tagal naming hindi talaga nagkikita. Tele-telepono na lang. Kasi, nakikita ko ‘yung mga pictures niya, fresh siya, saka payat siya, kaya gusto ko siyang makita. Ang ganda niya kaya kanina. Masaya, masaya kaming nagharutan lang at magkatabi kami du’n.

“‘Tapos, si Bimby rin, miss na miss ko, saka si Josh. Si Bimby, tawa nang tawa. Kaya sabi ni Kris, ‘in fairness sa ‘yo, ha, tinatawanan ka talaga ni Bimby. May crowd ka talagang sosyal,’ sabi niya,” nakakaaliw na kuwento ni Vice.

(ADOR SALUTA)