enchong_please-crop-copy-copy

PAGKATAPOS mapanood ang Mano Po 7: Chinoy, naintindihan na namin kung bakit sinabi ni Richard Yap na inakala niyang pelikula ito ni Enchong Dee. Naintindihan na rin namin kung bakit gusto ni Mother Lily na muling pagsamahin sa isa pang pelikula sina Richard at Enchong.

Napakahusay ni Enchong sa Mano Po 7 bilang panganay na anak nina Richard at Jean Garcia, at para sa amin ay ito na ang pinaka-best niyang performance. Hindi man manalo ng acting award, deserving siya ng nomination mula sa mga award-giving body.

Kabilang sa mga eksenang nagpakita ng kahusayan sa acting ni Enchong ang ang confrontation nila ni Richard, noong sinaktan siya at sa eksenang nagyakapan sila. Ang husay nila pareho kaya napaiyak nila ang mga nanonood.

Human-Interest

State university, naglabas ng pahayag tungkol sa viral post ng estudyante nila

Maganda rin ang kabuuan ng Mano Po 7 at naintindihan din namin kung bakit sinabi ng ilang MTRCB members na ito na ang the best sa Mano Po series. Tungkol ito sa pamilya, sa problema ng pamilya, at kung paano nanaig ang pag-ibig sa bawat miyembro ng pamilya.

Nagtaka tuloy ang mga nakapanood sa premiere night, kabilang ang ilang directors, kung bakit hindi ito napasama sa Magic 8 ng MMFF. Panoorin ninyo at kayo na ang humusga. Showing ang pelikula sa December 14.

Samantala, pinuri namin si Enchong dahil kahit busy sa showbiz career, hindi niya nakakalimutan ang kanyang tungkulin bilang Pilipino dahil nakikisangkot siya sa sa mga isyu sa bansa. Nagpahayag siya ng pagputol sa paglilibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani at hindi natakot ma-bash.

Nagpahayag din siya na hindi siya pabor na ibalik ang death penalty sa bansa. Nag-comment siya ng “Not proud either” sa Instagram post ni Cherry Pie Picache na kumukontra sa pagbabalik ng death penalty. (Nitz Miralles)