WELLINGTON (AFP) – Nanumpa ang finance chief ng New Zealand na si Bill English bilang bagong prime minister nitong Lunes kasunod ng biglaang pagbitiw noong nakaraang linggo ng popular na si John Key. Si State Services Minister Paula Bennett ang pinangalanang deputy leader.

Debotong Katoliko at may anim na anak, ang 54-anyos na si English ay itinuturing na mas konserbatibo kaysa kay Key.

Kinontra niya ang panukalang batas sa same-sex marriage noong 2013 at masugid na nangampanya laban sa abortion at voluntary euthanasia.

Internasyonal

Finland, muling kinilala bilang 'happiest country in the world'