MAY ipinost na picture sa social media si Baron Geisler na nakasakay siya sa kabayo at sinabing, “The spirited horse...” May nag-agree sa kanya na “horses are spirited.” Sumagot si Baron ng, “Oo nga, bro. Sarap! Pare, I’m enjoying my freedom this December. Boot camp ako sa January. Ayayayay!! Saya yon!!! Disiplina Sundalo.”
Ang boot camp ay mistulang correctional na may holistic approach sa physical at spiritual renewal.
Sinundan ni Baron ang naturang post ng, “Actually looking forward talaga, bro. Intense pero for sure paglabas ko steady na steady na ako. God willing. Thanks, bro for the encouragement.”
Positive ang comments ng followers ni Baron sa desisyon niyang ito na pumasok sa boot camp at umaasa ang fans ng aktor na sa kanyang paglabas, nagbago na nga siya.
May nag-wish kay Baron na sana sa paglabas niya ng boot camp, nakalimutan na niya ang alak. (NITZ MIRALLES)