alden-copy

TULUY-TULOY ang pagdating ng blessings kay Alden Richards.

Naging makabuluhang regalo sa actor/singer sa pagsi-celebrate niya ng kanyang 6th anniversary sa showbiz last December 8 ang pagtanggap niya ng awards mula sa 29th Awit Awards noong Wednesday, December 7. 

Ginanap ang awards night sa Music Museum sa direksiyon ni Bert de Leon.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nawala ang maghapong pagod ni Alden, na maaga pa lang nang araw na iyon ay nagtrabaho na at sumalang pa sa “Juan For All All For Juan” segment ng Eat Bulaga hanggang sa kalyeserye nila ni Maine Mendoza sa Meycauayan, Bulacan. Nag-taping pa sila pagkatapos para pa rin sa EB bago sila tumuloy ni Maine sa recording naman nila para GMA Christmas special.

Tatlong parangal ang tinanggap ni Alden sa Awit Awards:

Best Selling Album of the Year for Wish I May

Most Downloaded Album for 2015 for Wish I May

Most Downloaded Artist for 2015

Pinasalamatan ni Alden ang AlDub Nation dito sa bansa at ang mga Team Abroad na walang sawang sumuporta sa kanya at sa kanyang unang album sa GMA Records na wala pang isang taon, simula nang i-launch noong October 2015, ay nakapagbigay na kay Alden ng kanyang first Diamond Record (sampung Platinum Record awards) na katumbas ng 400,000 copies sold.

Labis ding pinasasalamatan ni Alden ang GMA Records sa tiwalang ibinigay sa kanya, kaya naging recording artist siya, kahit hindi naman daw siya talaga mahusay na singer.  

At tiyak, may isang masayang nagdiriwang sa accomplishments ni Alden, walang iba kundi ang kanyang Mommy Rio.

By the way, bukod sa napakaraming iba pa, ang isa pang accomplishment ni Alden ay ang pagbubukas nitong nakaraang weekend ng pangalawang branch ng kanyang Concha’s Garden Cafe sa Scout Madrinan St., Tomas Morato Extension, Quezon City. (NORA CALDERON)