ISULAN, Sultan Kudarat – Isinuko sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pitong katao na itinuturong pumatay kay Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Mayor Anwar Sindatuk nitong Nobyembre 27, 2016.

Kinumpirma ni Ustadz Wahid Tondoc, ng 118th Base Command ng MILF, na personal niyang isinuko sa grupo ang pitong suspek.

Tumanggi naman si MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar na pangalanan ang mga isinuko dahil isasailalim pa, aniya, nila ang mga ito sa imbestigasyon.

Matatandaang pinatuloy pa ni Sindatuk sa kanyang bahay ang mga suspek at nakipag-usap sa mga ito bago siya pinagbabaril ng mga salarin. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!