Lumalabas na walang planong maging pangulo ng Pilipinas si Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo.

“Parati ko iyon inuulit, before until now. Wala naman ako ganoong pangarap,” pahayag ng bise presidente.

Nilinaw ni Robredo, na nagbitiw kamakailan sa Gabinete, na ang hindi niya pagsang-ayon sa mga polisiya ni Pangulong Duterte ay hindi nangangahulugan na interesado siya sa posisyon nito.

“Hindi ko sasabihin na kapag nag-didissent tayo, tayo na iyong gustong maging pangulo.” Ani Robredo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“President Duterte has the mandate of the Filipino people and tingin ko obligasyon nating suportahan siya,”dagdag pa niya.

Ipinaliwanag ito ni Robredo matapos ipahayag ni Senator Alan Peter Cayetano noong Biyernes na kailangan niyang “stop campaigning and thinking of the Presidency.”

Samantala, kung may mga piling tao na unang nakaalam ng kanyang pagbibitiw sa Gabinete, ito ay sina dating Pangulong Benigno Aquino III at kanyang running mate na si Mar Roxas.

“I talked to them when I decided to resign. Not only the two of them, but leaders of the (Liberal) Party,” pahayag ni Robredo.

“Before we made the decision public, we made sure that they would know it from me,” dagdag ni Robredo.

(RAYMUND F. ANTONIO)