Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Simbahan at paaralan na nasa ilalim ng Archdiocese of Manila na manalangin ng “Prayer Against Death Penalty”.

Ito ay matapos isulong ng ilang mambabatas sa Kongreso ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan.

Aniya, maaari itong dasalin bago ang misa o pagkatapos ng komuniyon.

“You may opt to incorporate it at the Prayer of the Faithful of all Masses beginning tomorrow, December 8, 2016, and all through the Christmas Season,” mababasa sa circular letter na nilagdaan ni Fr. Reginald Malicdem, chancellor ng Archdiocese of Manila. (Leslie Ann G. Aquino)

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race