Muling sasampa sa ring si dating WBO Oriental featherweight titlist John Neil Tabanao ng Pilipinas laban kay WBC Youth world featherweight champion Evgeny Smirnov ngayong Linggo sa Krylia Sovetov, Moscow City, Russia.

Ito ang ikatlong laban ni Tabanao sa ibayong dagat matapos magtagumpay sa Victoria, Australia nang palasapin ng unang pagkatalo si Aussie featherweight champion Ibrahim Balla sa 3rd round TKO noong Hunyo 11, 2016 kaya natamo ang WBO Oriental crown.

Ngunit, sa kanyang laban sa Accra City, Ghana noong Agosto 26, 2016, tinalo siya sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision ni undefeated WBO Africa at WBC International Youth Silver featherweight champion Isaac Dogboe sa tatlong huradong Ghanian kaya nawala siya sa WBO featherweight rankings.

Walang talo ang makakalaban ni Tabanao na si Smirnov na natamo ang bakanteng WBC Youth featherweight title sa 10-round split decision sa beteranong si Noe Martinez Raygoza ng Mexico noong Abril 5, 2015 sa Moscow kaya mahigit isang taon na siyang hindi sumasampa sa ring. (Gilbert Espeña)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?