PINANGUNAHAN ni Yeng Constantino ang 30 recording artists ng Star Music na nakapagtala ng pinakaraming view sa YouTube channel.

Nakasama ni Yeng para sa 2016 version ng Salamat sina Janella Salvador, Ylona Garcia, Bailey May, Angeline Quinto, Erik Santos, Kaye Cal, Marion Aunor, Daryl Ong, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Jovit Baldivino, Sue Ramirez, Iñigo Pascual, Michael Pangilinan, Jed Madela, Morissette Amon, Klarisse de Guzman, Jamie Rivera, Jolina Magdangal, Juris, Vina Morales, Jona, Migz & Maya, Gloc 9, KZ, Piolo Pascual, Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, Tim Pavino, Alex Gonzaga, Enrique Gil, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Vice Ganda.

Nagbigay sila ng bagong tunog sa 2007 hit ng pop rock princess.

“Pasasalamat ko ito sa lahat ng fans na sumuporta sa akin sa ten years ko sa industriya at sa lahat ng fans ng lahat ng Kapamilya artists ng Star Music,” pahayag ni Yeng.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Iginawad kamakailan sa Star Music ang YouTube Gold Play Button, isang framed li­mited-edition gold-plated play button.

Ibinibigay ito ng YouTube sa channels na nakakakuha ng isang milyong subscribers.

Ang Star Music ang unang record company na umabot ng isang mil­yong subscribers sa bansa, at pangatlo sa YouTube channels na pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Ang YouTube ay ang nangungunang online vi­deo platform sa mundo na may isang bilyong active monthly viewers.

Isa ito sa mga pinakasikat na website sa paghahanap ng musika, kaya ito ang pinakapaboritong site ng mga Pilipino sa panonood ng kanilang paboritong OPM (Original Pilipino Music).

Ayon sa Star Music, bukod sa Pilipinas, ang Saudi Arabia, UAE, Uni­ted States, Kuwait, at Canada ang nangungunang mga bansang nanonood ng videos nila.

Sa ngayon, ang music video ng awiting Ikaw ni Yeng ang most watched OPM video sa YouTube channel ng Star Music at maging sa buong mundo. Mayroon na itong 52 million views.

Pumangalawa ang Mahal Ko o Mahal Ako music video ni KZ na may 36 million views naman.

Libreng napapanood ang mga video sa YouTube, pero dahil sa advertisements, kumikita ang producers, record companies, at composers.

Ang Kapamilya Network ang nagmamay-ari ng numero unong YouTube channel sa bansa, ang ABS-CBN Entertainment channel na nakapagtala na ng halos apat na milyong subscribers at limang bilyong views, pati na ang pangalawang most subscribed channel, ABS-CBN News, na may 2.6 milyong subscribers.

Paborito rin ang OneMusic.PH, online music platform ng ABS-CBN, ng mga Pilipinong may talento at nais maipakita ang kanilang galing sa musika.

Ngayong taon, napanood na sa OneMusic.PH sina Yeng, Ylona Garcia, The Dawn, Sue Ramirez, Loisa Andalio, Maris Racal, Kristel Fulgar at Darren Espanto.

Isinusulong din ng ABS-CBN ang OPM sa mga programang nililikha nito gaya ng I Love OPM, at spin-off nitong We Love OPM, mga bagong episode ng Ryan, Ryan, Musikahan sa Jeepney TV, at pati na rin sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime at “ASAPinoy” sa ASAP. (REGGEE BONOAN)