KUNG hindi magbabago ang pananaw ni coach Mark Herrera, ang De La Salle forward at UAAP Finals MVP na si Jeron Teng ang tatanghaling No.1 pick sa PBA D-League.
Ang AMA Online Education na pinangangasiwaan ni Herrera ang may karapatang pumili sa No.1 pick sa gaganaping drafting sa Disyembre 20.
“Malaking morale boost sa team,” sambit ni Herrera. “Personally, I see him a role model in Philippine amateur basketball. A very humble player but very intense kapag maglaro siya, parang wala ng next game because every game, 101 percent binibigay ni Jeron.”
Ayon kay Herrera, Malaki ang potensyal ni Teng na maging ganap na superstar sa PBA at isang malaking karangalan na masimulan niya ang career sa AMA Titans.
“He is a leader and future PBA star and we hope na maging part kami ng basketball journey niya,” pahayag ni Herrera, suportado ang kanyang desisyon nina AMA owner Ambassador Amable R. Aguiuz V at senior vice president Arnel Hibo.