Jusuf Nurkic,Serge Ibaka,Bismack Biyombo

7,000 assist, nailista ni LeBron; Warriors silat sa Grizzlies.

CLEVELAND (AP) — Naitala ni LeBron James ang season-high 44 puntos, tampok ang 17 sa final period para makausad sa bagong career milestone at sandigan ang Cleveland Cavaliers sa ika-apat na sunod na panalo sa impresibong 116-105 dominasyon sa Charlotte Hornets nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Hataw din si James sa 10 assist at siyam na rebound sa loob ng 43 minutong paglalaro kung saan natipa niya ang 13 sunod na puntos sa krusyal na sandali ng fourth period.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Naisubi ni James, umusad sa ikasiyam na puwesto sa NBA career scoring list nitong Biyernes, ang kabuuang 7,000th assist para tanghaling kauna-unahang frontcourt player sa kasaysayan ng NBA na nakaabot sa pedestal. Si James ang tanging player na may 27,000 puntos at 7,000 assist.

Nanguna si Kemba Walker sa Hornets sa natipang 24 puntos.

GRIZZLIES 110, WARRIORS 89

Sa Memphis, natyempuhan ng Grizzlies ang malamig na shooting ng Golden State Warriors para masungkit ang ikaanim na sunod na panalo.

Tumipa ng tig-19 puntos sina Marc Gasol at Tony Allen para pagbidahan ang malaking panalo ng Memphis, nagawang umabante sa 30 puntos sa second half.

Pitong Memphis player ang umiskor ng double digit.

Nanguna sa Warriors si Kevin Durant sa nakubrang 21 puntos, habang kumana si Stephen Curry ng 17 at nalimitahan si Klay Thompson sa walong puntos.

BULLS 105, HEAT 100

Sa Chicago, ratsada si Jimmy Butler sa naiskor na 31 puntos, habang tumipa si Dwyane Wade ng 28 puntos sa panalo ng Bulls kontra Miami Heat.

Nanguna sa Heat si Goran Dragic sa nasalansan na 21 puntos at 11 assist, habang humugot si Hassan Whiteside ng 20 puntos at nakahirit si Tyler Johnson ng 15 puntos.

CLIPPERS 133, PELICANS 105

Natipa ni Chris Paul ang 20 puntos at season-high 20 assist sa dominanteng panalo ng Los Angeles Clippers kontra New Orleans Pelicans.

Ito ang kauna-unahang 20-20 game sa career ni Paul at tanghaling unang player mula noong 1977-78 season na nakagawa nito, ayon sa Elias Sports Bureau.

Humugot si Jamal Crawford ng 22 puntos, habang kumasa si DeAndre Jordan ng 19 puntos at siyam na rebound para sa Los Angeles, nagwagi sa ikatlong pagkakataon sa walong laro.

Nakamit ng Pelicans, naglaro na wala si Anthony Davis, ang ikalimang sunod na kabiguan.

ROCKETS 109, MAVERICKS 87

Sa Houston, nailista ng Rockets, sa pangunguna ni James Harden na may 18 puntos, 16 assist at siyam na rebound, ang ikaanim na sunod na panalo nang pabagsakin ang Dallas Mavericks.

Nag-ambag si Eric Gordon ng 18 puntos at tumipa si Trevor Ariza ng 17 puntos para sa unang six-game winning streak ng Rockets mula noong Oct. 28 hanggang Nov. 6, 2014.

SPURS 130, NETS 101

Kaagad na naibangon ng Spurs ang unang kabiguan sa road game nang wasakin ang Brooklyn Nets sa San Antonio.

Kumubra si Kawhi Leonard ng 30 puntos, habang lima pang iba, kabilang si Patty Mills na umiskor ng 16 puntos, ang kumana ng double digits.