SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Tatlong tama ng bala ang ikinasawi ng isang 49-anyos na operations manager ng 5-Star Bus makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding-in-tandem matapos makisaya sa piyesta sa Purok I, Barangay Luyos sa bayang ito, Huwebes ng gabi.
Kinilala ni Senior Insp. Arnel S. Aguilar, hepe ng San Antonio Police, ang nasawi na si Rodrigo Manio, taga-Bgy. Poblacion, na nagtamo ng mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan.
Dakong 7:30 ng gabi at pauwi na si Manio sakay sa kanyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang mga suspek at ilang beses siyang pinagbabaril bago tumakas.
Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)