SA gitna ng kanyang matagumpay na career sa pagmomodelo at iba pa, nagpapagaling ngayon si Gigi Hadid sa kanyang karamdaman.

“My metabolism actually changed like crazy this year. I have Hashimoto’s disease. It’s a thyroid disease,” pagbubunyag ni Hadid, 21-anyos, sa Elle kamakailan.

“It’s now been two years since taking the medication for it, so for the show I didn’t want to lose any more weight,” aniya. “I just want to have muscles in the right place, and if my butt can get a little perkier, then that’s good.”

Tulad ni Hadid, nakikipaglaban din sa nabanggit na autoimmune disease sina Zoe Saldana, Victoria Justice, Gina Rodriguez, at Nia Vardalos.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Sinabi ng fashion it girl, na nakasungkit sa Model of the Year Award ng British Fashion Council, na boxing ang nasa likod ng kanyang toned physique. Idinagdag din ni Hadid na tuluy-tuloy na pag-eehersisyo ang kanyang workout routines.

“I put a sticky note in my kitchen that just said ‘squats’ and every time I walked passed the squat sticky note I had to do 15 squats,” saad niya sa magazine. “It’s a good trick because you have to have integrity with yourself. No one else is watching but you’re like, ‘Okay, I have to do this for myself,’ which is important.”

Noong Oktubre 2015, ibinunyag ng ina ni Gigi na si Yolanda Hadid, na naging bukas sa kanyang pakikipaglaban sa Lyme disease, na ang kanyang anak na sina Bella at Anwar ay nakikipaglaban naman sa tickborne illness. People.com