BATA pa pala ang direktor ng Saving Sally, isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival.
Twenty seven years old lang si Avid Liongoren, pero kung naipalabas agad ang pelikulang sinimulan nila noong 17 years pa lang siya ng scriptwriter na si Charlene Siwat-Esguerra, siya na siguro ang pinakabatang director sa local showbiz.
Ten years ang binuno ni Direk Avid bago natapos ang Saving Sally at dahil ito sa kawalan ng budget, kaya nagpasalamat siya sa investors na tumulong sa kanya.
Isa ang French film producer na si Alain de la Mata sa mga tumulong para matapos ni Direk Avid ang pelikula dahil na-impress ito sa trabaho niya.
‘Katuwa ang kanyang kuwento na umiyak siya nang matanggap sa MMFF ang Saving Sally at nang mahimasmasan, kumain ng shawarma. Lalo pang natuwa ang batang direktor dahil Graded A sa Cinema Evaluation Board ang debut film niya.
Hinihintay na lang din niya ang rating ng MTRCB sa pelikulang romantic story “set in wonderful 2D animation hues.”
Mapapanood ang Saving Sally simula sa December 25 at tampok dito sina Rhian Ramos, Enzo Marcos at TJ Trinidad. Kasama rin sina Bodjie Pascua, Carme Sanchez, Shamaine Centenera-Buencamino at Archie Adamos. (NITZ MIRALLES)