boxing-copy

OMAHA, Neb. (AP) — Tulad nang inaasahan, dominante si Terence “Bud” Crawford tungo sa eight-round panalo kay John Molina at panatilihin ang malinis na marka sa pagtatapos ng taon.

Napanatili ni Crawford, ipinapalagay din ng Top Rank na mailaban kay eight-division world champion at Senator Manny Pacquiao, ang WBO at WBC junior welterweight title kahit hindi pa sumusuntok.

Nabigo ang kanyang karibal na makapasa sa 140-pound weight limit nitong Biyernes.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Suportado ng may 11,270 home crowd sa Century Ling Center, sumabak si Crawford sa ikatlong pagkakataon ngayong taon at tila hindi ito kinakitaan ng pagkapagod.

Nitong summer, pinulbos niya si dating WBC champ Viktor Postol sa Las Vegas. Bago ito, pinabagsak niya si Hank Lundy sa New York.

Bunsod nito, malaki ang tyansa ni Crawford na makamit ang ‘fighter of the year ‘ award sa ikalawang sunod na taon.

“I think I should get a lot of credit for what I did this year, especially tonight,” pahayag ni Crawford.

“I showed I could be a finisher.”

Dominante ni Crawford ang tempo ng laro haggang itaas ni Molina ang mga kamay tanda ng pagsuko.

Itinigil ni referee Mark Nelson ang laban my 2:32 ang nalalabi sa ikwalong round.

“He fought a hell of a fight tonight, and he came out on top,” pag-aamin ni Molina. “Omaha’s a good fight town, and we appreciated coming here.”

Nahila ng 29-anyos orthodox fighter ang winning streak sa 30-0, tampok ang 21 knockout.

Sa panayam, sinabi ni Crawford na malaking pagkakataon sa kasaysayan ng boxing na magkaharap sila ni Pacquiao.

“Yeah, I’d like to fight him. I’m not chasing him,” sambit ni Crawford.

“We’re ready to fight anybody. Our promoters pick the fight. We train and go fight,” aniya.