Tumanggap ng pandaigdigang pagkilala ang pagsisikap ng Commission on Elections (Comelec) na maisasakatuparan ng lahat ng Pilipino ang karapatang bumoto sa eleksiyon noong Mayo.

Ginawaran ng International Centre for Parliamentary Studies (ICPS) ng London ang Comelec ng Accesibility Award at Minority Participation Award sa 2016 International Electoral Awards (IEA) sa Maputo, Mozambique, nitong Disyembre 6.

Bilang kinatawan ng komisyon sa event, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na sa tinanggap na parangal ay higit na inspirado ang poll body na matiyak ang pagboto ng lahat ng Pilipino, partikular para sa mga katutubo, may kapansanan, bilanggo, nagsilikas at senior citizens. (Leslie Ann G. Aquino)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'