ISULAN, Sultan Kudarat – Tumanggap na ang tulong ang mga residenteng binaha sa mga bayan ng Lambayang at Bagumbayan, bunsod ng pag-apaw ng Ilog Ala at Holon Lake sa Lake Sebu, Timog Cotabato.

Sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Chief Henry Albano na hindi lamang mga binaha ang nabigyan ng food packs kundi maging ang mga katutubong Dulangan-Manobo sa bayan ng Senator Ninoy Aquino—na sa kabuuan ay tumanggap ng 2,350 food packs.

Kasabay nito, inihayag naman ni Gov. Sultan Pax Mangudadatu, al hadz, na idinulog na sila sa Department of Agriculture-Region 12 ang tungkol sa naging pinsala ng baha sa mga pananim, at nasa P30 milyon ang kailangan para matulungan ang mga apektadong mangingisda. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito