Mga Laro ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- EAC vs CSB (Jr’s/srs/w)

1:30 n.h. -- JRU vs San Sebastian (w/srs)I

Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya

Itataya ng league leader San Sebastian College ang malinis nilang kartada sampu ng pamumuno sa women’s division sa pakikipagtuos kontra Jose Rizal University sa tampok na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA Season 92 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Ganap na 1:00 ng hapon ang laban ng Lady Stags at Lady Bombers na hangad namang patuloy na buhayin ang tsansa na makahabol sa Final Four.

Mauuna rito, magtutuos sa unang women’s match ang Emilio Aguinaldo College at defending champion College of St.Benilde sa ganap na 11:30 ng umaga pagkatapos ng sagupaan ng kani- kanilang juniors at seniors squads na magsisimula ng 8:00 ng umaga.

Target ng Lady Stags ang ika- anim na dikit na panalo upang pagtibayin ang kanilang pamumuno sa pangunguna ni reigning back- to- back MVP Gretchel Soltones kasama ng mga beteranong sina Joyce Sta.Rita, Kat Villegas at Denice Lim.

Hangad naman ng Lady Bombers sa pangunguna ng mga ace hitters na sina Shola Alvarez at Rosalie Pepito na makopo ang ikatlong panalo sa ika-6 na laro.

Pang-apat na sunod na tagumpay naman ang target ng EAC Brigadiers kontra sa wala pang panalong CSB La Salle Greenhills .

Magtatangka namang kumalas sa three - way tie sa ikalawang posisyon ang Blazers sa seniors division kasalo ng Perpetual at Arellano upang makapatas sa namumunong San Beda (5-1) kontra winless pa ring Heavy Bombers.

(marivic awitan)