Sisimulan nina dating World 10-ball champion Rubilen Amit at 2015 world junior girls titlist Chezka Centeno ang pagsabak sa giyera sa pagtumbok nito Sabado ng gabi sa 2016 CITIC Guoan Cup Women’s World 9-Ball Championship sa Mount Emei City sa Sichuan Province, Southwest China.

Makakasama ng World rank No. 7 at naging 2007 runner-up na si Amit at No. 9 na si Centeno ang kapwa national billiards player at dating Southeast Asian Games gold medal Irish Rañola sa isang linggong torneo na kinabibilangan ng 166 na pinakamagagaling na babaeng bilyarista sa buong mundo.

Pag-aagawan sa torneo ang total prize money na 170,000 US dollars mula sa World Pool-Billiard Association, Multi-ball Games Administrative Centre of General Administration of Sport of China at Chinese Billiards Association.

Ang maraming beses tinanghal na Southeast Asian Games gold medalist na si Amit ay tumapos kamakailan na ikasiyam sa China Open at ika-17 sa Taiwan International 9-ball tournament.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinabi ni Billiards Sports Confederation of the Philippines (BSCP) officer-in-charge Ramon Malinao na ang torneo ay parte sa training-exposure ng national cue artists para sa paglahok sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31, 2017.

Si Amit, 2009 World 10-ball at mixed doubles winner, ay mapapasabak sa torneo sa pagnanais nitong mapaganda at maibalik ang kumpiyansa sa malalaking torneo bago matapos ang taon.

Umabot na sa kabuuang 20 bansa at rehiyon ang sasabak sa torneo na kinabibilangan ng WPA World top-10 player na sian Pan Xiaoting, Jasmin-Ouschan at ang back-to-back titlist at may kabuuang tatlo nang titulong hawak na si Liu Shasha ng China. (ANGIE OREDO)