Hindi maiwasan ng isang ama na mapaluha sa sobrang galit sa mga pulis matapos mabiktima ng ligaw na bala ang kanyang anak sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Rudy Baylon, 53, ng Barangay 178, Camarin ng nasabing lungsod, hindi niya matanggap ang pagkamatay ng anak na si Lenin, 9, matapos tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang kilikili habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay.

Kuwento pa ni Rudy, may dumating na dalawang lalaki sa kanilang lugar at walang habas na pinagbabaril ang dalawang drug personality.

“May nagpunta po sa bahay at sinabing tinamaan daw ng ligaw na bala ang anak ko,” ani Rudy.

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Naniniwala umano si Rudy na pulis iskalawag ang dalawang lalaki dahil walang takot ang mga ito kung pumatay.

“Wala kaming pakialam kahit itumba pa nila ang lahat ng adik sa aming lugar, pero dapat isipin na lang (din) nila ang madadamay gaya ng nangyari sa anak ko,” dagdag ni Rudy. (ORLY L. BARCALA)