team-kmjs-sa-finland-copy

ISANG White Christmas special ang hatid ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo.

Bumiyahe si Jessica Soho papuntang Arctic Circle sa Hilagang Europa para bisitahin ang inaasahang magiging isa sa top tourist destinations sa 2017 at isa sa mga nangungunang Christmas destinations sa buong mundo -- ang bansang Finland!

Sa dulo ng 16 na oras na biyahe, tumambad sa KMJS team ang sub-zero na klima. At pagbaba pa lang sa airport, kapansin-pansin na ang pagpapahalaga ng mga Finnish sa isa sa pinakasikat na simbolo ng Pasko -- si Santa Claus. 

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

At sa Kakslauttanen Arctic Resort, pinatuloy ni Santa Claus si Jessica sa kanyang tahanan. Naririto rin sa Kakslauttanen ang milyun-milyong reindeers ni Santa. Dito sinubukan ni Jessica Soho ang pagsakay sa sleigh habang hila-hila ng mga reindeer.

 

Bibisitahin din ng KMJS ang pinakamalaking ski resort sa Finland, ang Ruka Ski Resort. Pero ang isa talaga sa sinasadya rito sa Lapland, Finland --- ang Aurora Borealis o Northern Lights. Ito ang nagsasayawang mga ilaw sa kalangitan dulot ng banggaan ng solar winds sa kalawakan.

 

Kukumustahin din ni Jessica ang ilan sa mahigit 3,000 Pilipino na naninirahan at nagtratrabaho sa naturang bansa.

 

May side trip pa ang KMJS sa bansang Norway para matikman ang sikat nilang king crabs na aabot ng hanggang dalawang metro ang haba na tumitimbang ng 16 kilos. Pero bago ito matikman, kailangan ay ikaw muna ang manghuli sa mga higanteng alimangong ito.

 

Abangan ang espesyal na maagang pamaskong handog ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ngayong Linggo ng gabi pagkapos ng Hay! Bahay! sa GMA-7.