zayn-at-taylor-copy

SINORPRESA ni Taylor Swift ang kanyang mga tagahanga nitong Biyernes sa paglabas ng kanyang bagong awitin pagkaraan ng dalawang taon, na R&B duet nila ng dating miyembro ng One Direction na si Zayn Malik.

Ang track na I Don’t Wanna Live Forever ang magiging theme song ng Fifty Shades Darker na sequel ng Fifty Shades of Grey, na ipalalabas sa mga sinehan sa Pebrero.

Ito ang unang awitin ni Swift, na mabilis na umakyat sa number one sa iTunes chart bilang pinakamaraming download, pagkatapos ng kanyang chart-topping 2014 album na 1989.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa pagkakaiba sa kanyang perky Nordic pop na 1989, ang bagong kanta ay may sensual R&B feel sa paggamit ni Zayn ng falsetto, at si Swift naman ay may alternate verses tungkol sa pananabik sa pag-ibig na may stripped-down beat.

Mas maiuugnay ang kanta sa style ni Zayn, na lalong naging sexualized ang imahe at R&B ang tunog simula nang iwanan ang kanyang British boy band noong nakaraang taon. Bilang solo artist, ginamit lamang niya ang kanyang first name.

Mas naiintriga ang fans ni Swift sa kanyang collaboration kay Zayn dahil dati niyang naka-date ang kabanda ni Zayn sa One Direction na si Harry Styles.

Isa sa mga top-selling album ang 1989 ni Swift at nanalo ng Grammy noong Pebrero para sa Album of the Year.

Ilang buwan na nananahimik si Swift, na tutuntong na sa 27-anyos sa susunod na linggo, bagamat naging laman siya ng celebrity press nang makipag-break siya kay DJ Calvin Harris at dahil sa sigalot nila ni Kanye West tungkol sa hindi magandang awitin nito tungkol sa kanya. (AFP)