NANGUNA si Justin Bieber sa listahan ng most-watch music videos sa Vevo ngayong 2016.
Nakuha ni Bieber ang tatlo sa 10 most-watched Vevo videos ngayong taon. Inihayag ng Vevo na sa 1.8 billion views ay nanguna ang Sorry ni Bieber sa listahan. Nasa ikalima at ikaanim naman ang What Do You Mean at Love Yourself ng Canadian singer.
Nasa pangalawang puwesto naman ang video ng Hello ni Adele na may mahigit 1.2 billion plays. Samantala, ikatlong puwesto ang Work From Home ng Fifth Harmony.
Nagkaroon ng pinakamaraming views sa loob ng 24-oras ang video ni David Bowie, ayon sa Vevo. Mayroong 51 million views ang mga video ni Bowie nang paumanaw siya noong Enero.
Ang Vevo ay ang music platform ng Sony at Universal. - AFP