KUNG noo’y kumpiyansa tayo na sigurado na ang panalo sa pagsabak ng national men’s basketball team sa Southeast Asia Basketball Association (SEABA) tournament, iba ang sitwasyon sa taong 2017 para sa Gilas Pilipinas.

Inaasahang magiging “all out” ang laban ng bawat koponan dahil isang tiket lamang ang nakataya sa SEABA para makausad sa FIBA Asia Championship.

“We can’t take SEABA for granted,” pahayag ni Gilas team manager Butch Antonio. “If we don’t win it, wala lahat yan. Let’s not take things lightly.”

Kaya naman pipiliing mabuti ng coaching staff ang kanilang mga isasabak na players sa qualifying meet.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kasalukuyan, ang tiyak pa lamang na kabilang sa pool ay ang 12 Gilas cadets na nasa PBA.

Ngunit base sa pinakabagong kasunduan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at PBA, magri- release ang bawat PBA teams ng hanggang tig-2 manlalaro kabilang na dito ang Gilas Cadets.

Ayon kay Antonio, may listahan na sila ng mga international tournament na lalahukan ng Gilas pero wala pa itong eksaktong petsa ng pagdaraos.

Inaasahang gaganapin ang SEABA sa Marso o sa unang linggo ng Abril.- Marivic Awitan