NA-BASH si Marian Rivera nang i-post ni Ai Ai delas Alas sa Instagram ang photo habang bini-breastfeed niya si Baby Zia sa birthday celebrations nito kamakailan. Sabi ni @meiryu, dapat daw ay pumasok sa private room si Marian para mag-breastfeed at saka na lang lumabas kapag tapos na para harapin ang mga bisita.

Sagot ni Marian sa basher: “@meiryu – walang masama sa pagpapadede sa anak in public, lalo kung may cover naman.

Hindi ka pa siguro nanay o wala ka pang anak kaya hindi mo maiintindihan.”

Ipinagtanggol din ni Ai Ai si Marian kay @meiryu: “Walang private room du’n, alangan namang sa CR (comfort room) padedehin si Z. Kaya nga ginawa ‘yung breastfeeding infinity scarf for baby (nursing cover) para sa mga situations na ganoon.”

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, inurirat sa viral pictures nila ni Dominic Roque

May iba pang nang-bash pero ipinagtanggol na si Marian ng DongYans, kaya nagsitigil na rin ang mga ito.

Matatandaan na nag-post din si Marian noong nasa Los Angeles, California sila ni Dingdong for a GMA Pinoy TV show, na habang naglalakad ay bini-breastfeed niya si Baby Z. Pero mayroon nga siyang takip na breastfeeding infinity scarf, kaya hindi mapapansin dahil wala namang nakikita, iisipin lang ng iba na pinuprotektahan ni Marian ang anak sa sikat ng araw.

Si Marian, basta kay Baby Zia, wala siyang hindi gagawin, lalo na kung oras na para i-breastfeed ang anak.

Kahit ngayon na one year old na si Zia, patuloy pa rin ang pagpapadede ni Marian sa kanya. Kapag nagre-report siya sa Sunday Pinasaya o may iba pang commitments sa labas ng bahay, nagpa-pump pa rin siya ng milk na kasya sa anak hanggang sa makauwi siya. ‘Yan si Marian, tunay na nanay! (NORA CALDERON)