Arestado ang dalawang katao, kabilang ang umano’y mayamang tulak ng ecstasy, sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Taguig City Police, sa Bonifacio Global City (BGC) nitong Huwebes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si Rina Hayashi, 20, habang kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 ang isinampa laban kay Roy Miguel de Borja, 20.

Target sa nasabing operasyon si Hayashi na nakumpiskahan ng 50 pirasong tableta ng ecstasy na nagkakahalaga ng P80,000 at isinabay na rin sa pagdakma si De Borja matapos bumili ng apat na pirasong ecstasy kay Hayashi.

Ayon kay Southern Police District director Sr. Supt. Tomas Apolinario, si Hayashi ang itinuturong supplier ng party drugs, partikular na ng ecstasy, sa mga high-end bar sa BGC.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek sa detention cell ng Taguig Police. (Bella Gamotea)