Kumaunti ang mga walang trabahong Pinoy sa bansa, batay sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS)—naitalang pinakamababa sa nakalipas na siyam na taon.

Natukoy sa survey, na isinagawa nitong Setyembre 24-27, na bumaba sa 18.4 na porsiyento ang joblessness rate, o nasa 8.2 milyong adult na Pinoy ang walang trabaho sa ngayon.

Ito ay 3.3% mas mababa sa 21.7% o 10 milyong walang trabaho na naitala sa ikalawang quarter ng taon na sinarbey nitong Hunyo, at pinakamababa kasunod ng 17.5% na naitala noong Disyembre 2007, ayon sa SWS.

Nasa 1,200 adult sa iba’t ibang dako ng bansa ang nakibahagi sa survey.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Natukoy din sa kaparehong survey na pumalo sa “very high” na +31 ang net optimism sa pagkakaroon ng trabaho.

Ayon sa SWS, 44% ng mga Pinoy adult ang kumpiyansang dadami ang available na trabaho sa susunod na 12 buwan, habang 28% ang nagsabing walang magbabago sa job availability, at 13% ang nagsabing kakaunti pa ito. - Vanne Elaine P. Terrazola