Nagpakalat ang Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International (NAIA) ng 12 Chinese interpreter upang matulungan ang mga immigrations officer (IO).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, simula nitong nakaraang linggo ay pumasok na ang mga interpreter sa iba’t ibang shift, sa mga tanggapan ng BI sa mga terminal ng NAIA.

Sinabi ni Morente, na katuwang ang mga interpreter ng IO sa pag-interbyu sa mga dumarating at paalis na pasaherong Chinese.

“By engaging their services, we were able to eliminate the language barrier that for so many years has been a source of misunderstanding and miscommunication between our immigration officers and Chinese travellers,” pahayag ni Morente. - Mina Navarro

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal