SOFIA (AFP) — Apat na katao na namatay habang 23 ang sugatan sa pagsabog ng tren na nagbibiyahe ng gasolina sa Bulgarian ng Hitrino, ayon sa emergency services.

Aabot sa 20 bahay ang naapektuhan at marami sa mga residente na aabot sa 800 ang lumikas, pahayag ni Nikolay Nikolov, head ng safety and civil defence, sa pulis.

Aniya, hinahanap ng mga bombero ang mga survivor.

Sakay sa nasabing tren ang 20 tangke ng propylene gas at apat na tangke ng propane butane. Ito ay huminto at nagdiskarga sa Hitrino railway station at nasagi ng dalawang tanker ang power line, ayon sa tagapagsalita ng lokal na pulisya na si Assia Yordannova.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nangyari ang pagsabog dakong 5:37 ng umaga (0337 GMT) sa nasabing nayon, na matatagpuan sa layong 100 kilometro (60 milya) mula Varna.