Hindi lamang basketball team ang nais ng Adamson na maging powerhouse, bagkus maging ang women’s volleyball team.

Ipinakilala kahapon ng pamunuan ng Lady Falcons, sa pangunguna ni school president Fr. Marcelo V. Manimtim, ang powerhouse all-women coaching staff , sa pangangasiwa ni American coach Airess Padda.

Kasama rin sa coaching staff sina dating La Salle star Michele Gumabao at Cherry Macatangay, gayundin si dating University of Santo Tomas skipper Angge Tabaquero.

Target ng Lady Falcons ang matikas na kampanya sa Season 79 volleyball competition sa Pebrero 4.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Malamya ang naging kampanya ng Lady Falcons sa nalipas na season kung saan tumapos sila sa ikapito tangan ang 3-11 karta.

“It's about changing the culture of Adamson volleyball. Not just winning but believing,” pahayag ni Padda, founder and director ng Malibu Palms Volleyball Club.

“My biggest challenge was changing the mindset that they have been accustomed to in the past year, because they believed that they are not good enough,” aniya.

“Because no matter how physically capable they are, but if they don’t believe that they are the best, they can never be the best.”

Asam ng Lady Falcons, tumapos sa pangalawa noong 2005 at 2008, na mapantayan ang naging tagumpay ng men's basketball and cheerdance squad sa Season 79.

Nagawang maihatid ni coach Franz Pumaren ang Falcons sa Final Four, habang nakasama sa podium ang Adamson Pep Squad sa tinapos na bronze medal.

“Expect a lot of spirit, a lot of teamwork, a lot of fighting, laban,” sambit ni Padda. “I don’t know a lot of Tagalog words but I use laban always because that’s something you’ll see from the Lady Falcons can do in the UAAP.”

Tatayong team captain ng Adamson si Jema Galanza.