ACCRA (Reuters)—Si opposition leader Nana Akufo-Addo ang nanalo sa presidential election sa Ghana.

Sa pagkakaroon ng 53.8 percent, tinalo ni Akufo-Addo si President John Mahama na may 44.4 percent, ipinahayag ni electoral commissioner Charlotte Osei nitong Biyernes.

Naghiyawan, nagsayawan, at gumawa ng fireworks display ang mga tagasuporta ng kanyang New Patriotic Party (NPP) dahil sa kanyang pagkapanalo.

“I make this solemn pledge to you tonight: I will not let you down. I will do all in my power to live up to your hopes and expectations,” pahayag ni Akufo-Addo sa buhay na buhay na manonood.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina