Isinugod sa ospital ang isang 14-anyos na babae matapos umanong bumili ng gamot na pampalaglag sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hanggang ngayon ay inoobserbahan pa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktima, Grade 8, ng Parola Compound, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jennifer Cadatal, ng Manila Police District (MPD)- Station 2, dakong 8:00 ng gabi nang isugod ng kanyang ina ang dalagita matapos nitong idaing ang labis na pananakit ng puson at pagdurugo ng kanyang ari.

Nang suriin ng doktor, nadiskubre na inilaglag nito ang batang nasa kanyang sinapupunan.

15% na kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?

Ayon sa dalagita, bumili siya ng gamot na pampalaglag sa Quiapo, sa halagang P1,500, at kanyang ininom para ilaglag ang kanyang ipinagbubuntis. (Mary Ann Santiago)