Pinasungalingan ng Liberal Party kahapon ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na binabalak ng kanilang grupo na patalsikin siya sa puwesto.

“That is totally unfounded, the allegation, that we are out to oust the President—wala pong katotohanan iyan. We have not discussed any plot to oust the President; we respect the mandate of our people,” sinabi ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon sa isang panayam matapos ang pagdinig ng Senado sa panukalang Charter change.

Ang reaksyon ni Drilon, isa sa mga haligi ng LP, ay kaugnay sa pahayag ng Pangulo na nais siyang patalsikin sa Malacañang ng “yellows”, ang political color ng LP.

Sinabi pa ni Drilon na ang mga ipinapahayag nilang pananaw bilang isang partido, gaya ng pagtutol sa paglibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani at pagkontra sa pagbabalik ng parusang kamatayan, ay hindi dapat ipalagay na bahagi ng planong patalsikin ang Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Views we express as a party has nothing to do with any plan to oust the President. We deny that categorically,” diin ni Drilon. (HANNAH L. TORREGOZA)