Upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa hilagang bahagi ng Metro Manila, partikular sa EDSA, maaari nang dumaan ang mga motorista sa gate ng Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City simula sa Lunes, Disyembre 12.

Inihayag kahapon nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Tim Orbos at Manuel Gonzales, coordinator ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT), ang pagbubukas sa mga gate ng VMMC para sa mga motorista matapos ang pakikipagpulong ng ahensiya sa pamunuan ng nasabing ospital.

“We got the nod of the VMMC leadership to do this and decongest the traffic, especially this Holiday Season, along North Avenue”, pagkumpirma ni Orbos.

Bukas ang VMMC sa mga motorista mula Lunes hanggang Biyernes, simula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at 4:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi. (Bella Gamotea)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon