Ipinasa ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukalang “National Vision Screening Program for Kindergarten Pupils” upang agad na masuri at malunasan ang problema sa mata ng mga bata.

Pinagtibay ng komite na pinamumunuan ni Rep. Evelina G. Escudero (1st District, Sorsogon) ang pinagsama-samang House Bill 2822 na inakda ni Rep. Estrellita B. Suansing (1st District, Nueva Ecija), HB 1387 ni Rep. Alfredo D. Vargas III (5th District, Quezon City), at HB 3222 ni Deputy Speaker at Taguig-Pateros Second District Rep. Pia S. Cayetano.

Binanggit ni Escudero na isang katulad na panukala ang inaprubahan sa 16th Congress, pero hindi ganap na napagtibay dahil sa kakulangan ng panahon. (Bert de Guzman)

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!