Isang milyong piso ang naghihintay sa magiging kampeon ng 17th at huling yugto ng 2016 UFCC Stagwars na ginanap kahapon sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City.

May kabuuang 30 matitibay na kalahok ang pasok sa pagtatapos ng bakbakan na may 105 sultada na maguumpisa sa ika-isa ng hapon.

Si Dorie Du ng Davao City ang halos nakasisiguro na sa titulo na kinakailangan lamang ng dalawang panalo sa naturang 7-stag derby. Ang mga naunang labing-anim na yugto ng sagupaan ay pawang 6-stag.

Ang bigat ng labanan ay nakaatang sa pumapangalawang si Joey delos Santos (San Roque) at nasa ikatlong puwesto na si Ka Luding Boonggaling (LB Candelaria) na kinakailangang maipanalo ang lahat ng kanilang laban para maagaw ang kampeonato, ang karangalan at ang premyong nakataya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa ika-apat naman si Eric dela Rosa (Polomok) na sinundan ni Nelso Uy & Dong Chung (Full Force). Ang laban naman para sa Stagfighter ng Circuit Two ay kapana-panabik din dahil sa mas dikit na labanan kung saan ilang puntos na kalamangan lang ang naghihiwalay kina RJ Mea (RJM) ng Tiaong, Quezon sa kanyang kababayang si Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) ng Candelaria.

Pinamumunuan ng Ultimate Fighting Cock Championship ang 2016 UFCC Stagwars sa pakikipag-tulungan ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World – Manila at Solaire Resorts & Casino.

Samantala, wala ng makapipigil pa sa 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby sa Newport Theatre sa Resorts World – Manila sa Pasay City sa darating na Enero 15-21.