richard-yap-1-copy

SIR CHIEF pa rin ang tawag ng mga estudyante kay Richard Yap nang bumisita siya sa ilang Chinese schools para sa ginaganap na school tour ng Mano Po 7: Chinoy. Binisita niya ang Chiang Kai Shek College, St. Stephen High School, HOPE Christian High Schol at UNO High School.

Tuwang-tuwa naman ang school officials and teachers sa courtesy call sa kanila ni Richard bago nakikipag-photo op ang actor sa students na pawang excited na makita siya.

Tinupad ni Richard ang pangako niya kina Mother Lily at Roselle Monteverde na kahit hindi sila napili sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay sasama siya sa lahat ng promo schedule nila.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I consider it a blessing na hindi nakasali ang movie namin sa festival,” sabi ni Richard. “I know we have a good product na magugustuhan ng buong pamilya. Alam ko kasing lahat ng Mano Po franchise ay alay sa buong pamilya,” pahayag ni Richard.

Mamayang hapon at 5:00 PM, magsasama-sama ang buong cast ng movie sa harap ng SM Megamall Fashion Mall sa EDSA para sa isang grand parade na magtutuloy na sa premiere night.

Sa Linggo, December 11, lilibutin ng buong cast ang Binondo community na magsisimula sa Lucky China Town Mall at 4:00 PM.

Lahat ng school tour ni Richard ay mapapanood sa Chinoy TV. (NORA CALDERON)