Palaging pinapayuhan ng mga doktor ang kanilang pasyente na uminom ng maraming tubig kapag masama ang pakiramdam.

Pero may bagong pag-aaral na nagpapakita ng panganib sa labis na pag-inom ng tubig at iminumungkahi na kailangang magkaroon ng marami pang pag-aaral para makumpirma ang tradisyunal na payong ito ng mga manggagamot.

Matagal nang panahon na pag-inom ng maraming tubig ang laging payong medikal sa pasyente kapag may trangkaso o mga respiratory infection.

Sa teorya, itinuturing ito bilang mainam na payo; tuwing sinisipon, naglalabas ang katawan ng mas maraming likido sa ilong o maaring mayroong lagnat, na maaaring humantong sa mas maraming paglabas ng fluid.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ang medical advice na ito ay dulot ng paniniwala na wala namang masamang dulot ang pag-inom ng tubig.

Ngunit may bagong pag-aaral ang nagpapapaalala sa mga doktor at pasyente na kakaunti lamang ang katunayan o ebidensiya na may benepisyo ang pag-inom ng maraming tubig, at sa katunayan ay may masamang dulot ito.

Idinetalye ng bagong pag-aaral, na inilathala ng BMJ Case Reports, ang kaso ng 59-anyos na babae na umiinom ng napakaraming tubig na nauwi sa pagkakaroon ng urinary tract infection o UTI.

Naramdaman ng babae ang sintomas ng pagbalik ng kanyang UTI.

Sa kaso ng UTI, ipinapakita na ang pag-inom ng maraming tubig kaysa nakasanayan ay pansamantalang nakababawas ng bilang ng bacteria na makikita sa ihi, ngunit ang dahilan nito ay nanatili pa ring hindi maliwanag.

Bilang pagtalima sa payo ng doktor na uminom ng “half a pint of water” kada 30 minuto, uminom ang babae ng ilang litro ng tubig sa isang araw, pero lumubha ang mga sintomas ng kanyang UTI. Kaya nagtungo siya sa emergency department ng King’s College Hospital sa United Kingdom nang makaramdam siya ng lower abdominal pain at dysuria.

Tulad ng kaso ng 59-anyos, may napaulat na dating kaso na labis na pag-inom ng maraming tubig ang batang babae na dumaranas ng gastroenteritis, na nauwi sa pagkakaroon ng hyponatremia at namatay.

Sa dalawang sitwasyon, parehong sumunod ang dalawa sa payo ng doktor, bagamat naging lumabis ang kanilang nainom na tubig kumpara sa inirekomenda ng doktor.

“Together these two cases highlight the importance of clear history taking, including a collateral, prompt investigation and correction of electrolyte imbalance and, also the need to qualify our advice regarding water consumption in simple infective illness.” Ayon sa mga researcher. (Medical News Today)