Pinagdudurog kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiskang gamit at kemikal sa paggawa ng shabu na nagkakahalaga ng P3.1 milyon sa Valenzuela City.

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña, nasa kabuuang 583.905 litro ng liquid chemical, nagkakahalaga ng P811,757.0968, at kabuuang 61,223.60 gramo ng solid chemical na nagkakahalaga naman ng P106,922, ang winasak sa pamamagitan ng chemical treatment.

Dinurog din nang pinung-pino ang mga laboratory equipment, nagkakahalaga ng P2,279,496, na nasamsam sa anti-drug operations ng PDEA.

“PDEA continues to regularly conduct activities to destroy illegal drugs, CPECs and laboratory equipment right before the probing eyes of the public, thus allaying any misconception that these pieces of drug and non-drug evidence are being recycled for other purposes,”sambit ni Lapeña. (Jun Fabon)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists