BUKAS sa mga aplikante ang National University para sa susunod na head coach ng Bulldogs sa Season 80 ng UAAP.

Ito ang ipinahayag ni NU athletics director Chito Loyzaga matapos pormal na ipahayag ang pagbibitiw ni coach Eric Altamirano – tatlong taon matapos gabayan ang Bulldogs sa kauna-unahang titulo matapos ang anim na dekada.

“The management has already accepted coach Eric’s resignation,” pahayag ni Loyzaga.

Sa pamamagitan ni Loyzaga, ipinaabot ng NU community ang pasasalamat sa naging kontribusyon ni Altamirano sa Bulldogs.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Inimbitahan ni Loyzaga ang lahat ng mga interesado na magsumite ng kanilang aplikasyon sa athletics office ng NU.

Ayon kay Loyzaga, kailangan niyang makapili ng bagong coach sa pagtatapos ng holiday season.

“The door is open. Maghihintay kami para sa bagong coach ng Bulldogs,” aniya. (Marivic Awitan)