Hindi na naihatid pa ng isang ginang ang kanyang dalawang anak sa paaralan matapos na harangin at pagbabarilin ng isang ‘di pa nakikilalang lalaki sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Agad ikinasawi ni Nora Acielo, 47, ng 12th Street, Port Area, Maynila, ang mga tinamong tama ng bala sa ulo at tiyan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 5:30 ng madaling araw ay ihahatid sana ni Acielo ang kanyang dalawang anak sa Rosauro Almario Elementary School nang harangin at pagbabarilin ng suspek sa Rail road Street, malapit sa kanto ng 12th Street.

Hindi naman idinamay ng suspek ang mga anak ng biktima. (Mary Ann Santiago)

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3