Disyembre 9, 1958 nang itatag ang John Birch Society, isang anti-Communist organization, ni Robert H.W. Welch, Jr. at 11 iba pa sa kasagsagan ng isang pagpupulong sa Indianapolis.

Ipinangalan ni Welch, isang retiradong Boston candy, manufacturer, kay John Birch, isang United States Army intelligence specialist at Baptist missionary na pinatay ng mga komunistang Hapon sa Anhwei, China noong 1945, ang nasabing samahan. Siya ang unang American casualty sa gitna ng digmaan sa pagitan ng communism, na siyang pangunahing layunin ng right-wing organization.

Sa unang bahagi ng 1960, lumobo sa 100,000 American ang naging miyembro ng John Birch Society at milyun-milyong dolyar ang halaga ng private contribution. Sa kasalukuyan, nananatiling aktibo ang organisasyon, na ang mga miyembro ay nakikiusap “to expose a semi-secret international cabal whose members sit in the highest places of influence and power worldwide.”

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya