Lusot na nga ba si Jack Lam sa kabila ng mga alegasyong ipinupukol sa kanya kaugnay ng pag-o-operate ng illegal gambling at pangingikil umano sa ilang opisyal?

Sinabi kahapon ni Pangulong Duterte na payag siyang ipagpatuloy ni Lam ang negosyo nito sa bansa ngunit naglatag siya ng ilang kondisyon, kabilang na rito ang pagbabayad ni Lam ng tamang buwis at paghingi ng tawad.

“Okay lang sa akin because he has offered to come back, resume his business, pay his taxes, liability whatever it is,” sinabi ni Duterte sa media matapos pasinayaan ang Bicol International Airport sa Albay.

“Then sabi ko on a condition that he lets go of the original contract that gave him to enjoy only one percent. Sabi ko, pareho kayo lahat. Just pay the taxes, do not bribe anybody,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kamakailan lamang ay ipinag-utos ng pangulo ang pag-aresto kay Lam, na may-ari ng casino sa Clark economic zone, sa mga kasong economic sabotage at bribery. Ipinasara rin ng gobyerno ang casino ni Lam.

“Jack Lam has sent feelers that he would like to come back one because he takes pity of the 6,000 plus Filipinos out of jobs. Second, he said he would settle his obligations,” sambit ni Duterte.

Aniya, ipinauubaya na niya kina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang kahihinatnan ni Lam sa pagbabalik nito sa bansa. (Genalyn D. Kabiling)