ALINSUNOD sa President Proclamation No. 705, series of 1995, ipinagdiwang ang National Health Emergency Preparedness Day noong Martes, Disyembre 6. Binibigyang-diin ng proklamasyon na ito na hindi dapat humantong ang mga health emergency at injury sa kamatayan ng biktima, at kung minsan ang hindi tamang pangangasiwa ng sitwasyon o ng biktima, maling impormasyon, at naantalang konsultasyon ay maaaring mas makapinsala kaysa injury. Ang health emergency preparedness, basic skills sa cardio-pulmonary resuscitation (CPR), at ang kaalaman sa pangunang lunas o first aid ay ilan sa mga kilalang public health intervention para sa injury response, prevention at control sa buong mundo.
Ang mga injury at mga aksidente ay kinikilala bilang pangunahing suliranin sa public health na kinakailangan ng komprehensibo, multisectoral, interdisciplinary, at institutionalized public health response program na nagbibigay ng public health education, at training at information dissemination.
Nananawagan ang proklamasyon sa lahat ng mga sektor at organisasyon, partikular ang Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines, ang Department of Health, Department of Education, Department of Labor and Employment, Department of Transportation, Philippine Youth Commission, Department of Social Welfare and Development, Philippines Information Agency at iba pang mga national agency ng gobyerno, pati na rin ang local government units para makiisa sa private sector, non-government organization, people organization, media, kababaihan, kabataaan, at business corporation upang maitaguyod ang kamalayan tungkol sa health emergency preparedness, maglaan ng health emergency preparedness skills trainings; at makilahok sa pambansang kampanya para maiwasan ang mga aksidente at pinsala.
Ito ay unang ipinagdiwang noong 1995, bilang pagtugon sa pagkakatuklas na ang mga injury, trauma, at iba pang mga health emergency na hindi nabibigyan ng agarang atensiyon tulad ng paunang lunas, ay kabilang sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan sa bansa. Ipinakita ng record na isang tao kada 22 minuto ang namamatay dahil sa kabiguang makatanggap ng paunang lunas. Nagsisilbing paalaala ang National Health Emergency Preparedness Day pagdating sa pangangailangan para sa sama-samang pagsisikap sa lahat ng ating mga komunidad at lahat ng dako ng bansa ay maging handa upang kayanin, pagaanin at tumugon sa mga aksidente at mga emergency situation.
Hinihimok ang mga lokal na gobyerno na mag-organisa ng health emergency preparedness skills training sa kanilang mga nasasakupan pati na rin ang pagtataguyod ng mga education program sa public safety. Magiging kapaki-pakinabang sa publiko ang paggalang at pagtalima sa mga batas at ordinansa na ang layunin ay mailayo sa aksidente, injury at trauma ang bawat isa.