OSLO (Reuters) – Nauubos na ang mga giraffe.
Iniulat ng Red List ng endangered species nitong Huwebes na bumaba ang bilang ng mga giraffe ng mahigit 40 porsiyento simula 1980s bunsod ng illegal hunting at pagpapalawak ng mga sakahan sa Africa.
Bumaba ang populasyon ng world’s tallest land creature sa halos 98,000 mula sa tinatayang 152,000-163,000 noong 1985, ayon sa List na tinipon ng International Union for Conservation of Nature (IUCN).
Iniranggo ng Red List ang giraffe na “vulnerable” sa extinction sa unang pagkakataon mula sa dating rating na “least concern”. Ayon dito, halos hindi napansin ang pagkaubos ng hayop sa sub-Saharan Africa.
“Whilst giraffes are commonly seen on safari, in the media and in zoos, people – including conservationists – are unaware that these majestic animals are undergoing a silent extinction,” sabi ni Julian Fennessy, IUCN giraffe specialist.