Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na pag-aaralan at pag-uusapan nilang mabuti kasama ang mga opisyal ng Department of Health (DoH) ang anumang hakbang kaugnay sa pamamahagi ng condom sa mga eskuwelahan, lalo na’t mga menor de edad na estudyante ang sangkot dito.

“We should start with knowing the state policy on minors engaging in sexual activities,” sabi ni DepEd-Legal and Legislative Affairs Assistant Secretary Tonisito Umali.

Nilinaw ng DepEd na wala pang kongkretong plano ang DoH hinggil sa plano ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial na mamimigay ng condom sa mga paaralan bilang tugon sa dumaraming kabataan na nabibiktima ng HIV/AIDS infection.

Gayunman, sakaling matuloy ay posibleng ipamamahagi lamang ang condom sa mga paaralan na may mataas na kaso ng HIV/AIDS infection.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“Through the series of discourse, the Department will want to identify and study whether this move to arrest the epidemic is appropriate to cover schools and learning institutions,” saad sa kalatas na inilabas ng DepEd.

(Mary Ann Santiago)