PAGADIAN CITY - Umuwing bayani ang 10-taong arnis practitioner mula sa Dumalinao, Zamboanga del Sur bunsod nang napagwagihang dalawang gintong medalya sa katatapos na Batang Pinoy National Championship sa Tagum City, Davao del Norte.

Pinangunahan ni Zamboanga del Sur Gov. Antonio Cerilles ang pagbibigay ng parangal kay Marvin Rivera dahil sa karangalang ibinigay sa lalawigan.

Produkto ng Zamboanga del Sur Sports Academy si Rivera na humakot ng kabuuang tatlong ginto,anim na silver at anim na bronze medal sa grassroots sports program na inorganisa ng Philippine Sports Commision (PSC).

Ayon kay Gov. Cerilles, si Rivera ang pinakabatang atleta sa delegasyon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagwagi si Rivera, anak ng magsasaka, sa single-weapon at sword-and-dagger event. Naguwi rin ng gintong medalya ang isa pang pambato ng lalawigan na si Ruthelma Laylay sa 100-meter hurdles.

Ang anim na silver medalist ay sina Zesa Jean Canales sa bantamweight arnis, Nikke Gelbolingo sa featherweight arnis, Joseph Vivero sa grand ranking 30-meter at 70-meter archery, at Gerald Into sa boxing.

Ang bronze medalist naman ay sina Juvanie Omisol sa lightweight arnis, Jerby Bancale, at Weljon Mindoro sa boxing, Christian Ampong sa javelin throw at ang 4x400 relay team at 60-meter archery team.

Kabilang si Rivera sa 158 atleta ng Zamboanga del Sur Sports Academy, isang institusyon na suportado ng pamalahalaang lalawigan ng Zamboanga del Sur.

“The academy athletes serve as heroes and champions to other youths in the province, luring the latter away from juvenile delinquency like drugs and in order for them to gain exposure and improve their confidence and thinking process during a game,” pahayag ni Cerilles. (Nonoy Lacson)